Friday, October 31, 2008

Happy Bertday sa inyo...

Gusto kong batiin ang mga nag birthday ngayon. Sila'y sina Raph "LOLO" Caballes, Gorio "bestfrend" Buencamino, Josh "POGI" Malapit, Andrea Alegre... Good luck and God Bless sa inyo. Sana maging successful ang inyong buhay... Thank you sa frendship at sa pagkain... hahaha...

Happy Halloween!!!

Happy Halloween sa mga tao dyan. Sana ay maenjoy nyo ang nakakapangilabot na mga pangyayari. Eto ang crinam at walang kaeffort-effort kong mga pics...


eto pa...

Saturday, October 25, 2008

Happy Trip...


Ngayon ang alis ng lolo at lola ko papunta sa tito ko na nasa Canada. Sa bahay ng kapatid ng lola ko kami natulog ng pinsan ko pero itong pinsan ko ay may trabaho ngayong araw kaya 'di siya makakasama sa paghatid sa lolo't lola ko. Nagising ako ng umaga at nagbreakfast nakatulog ako at nang magising uli ako ay 11 na, diretso kain ako ng lunch at naghanda na papuntang airport. Masaya ang biyahe dahil maraming kasama and close ang pamilya namin at wala masyadong away. Pagdating sa airport ay agad na pumasok sina lolo. Akala namin ay pwede pa sila lumabas para makapagpaalam pero hindi na pala. Happy trip na lang ang wish ko sa kanila. Good luck and God Bless sa flight nila. Sana ay mag-enjoy sila sa Canada and sana 'di nila makalimutan ang mga pasalubong. hahaha...

Sunday, October 19, 2008

Tapos na?... :((


Ngayon ang pagtatapos ng retreat at kahit medyo bitin ay masasabi kong succesful and sobrang saya ng retreat na ito. Sana ay mas masaya pa ang mga retreat na mangyayari sa hinaharap at sana 'di lang tayo mag-enjoy sana ay mapalapit din tayo kay God dahil siya ang main reason kung bakit tayo nagretreat. Haay... sana pwede ma-extend tung retreat. Pauwi ay masaya rin dahil kahit hindi katabi ay malapit lang sakin si BESPREN. Nanood lang ako ng movie sa bus habang binabantayang matulog si BESPREN pero nang magising na siya ay matapos na ang movie ay natulog na rin ako. Pagdating sa Pisay ay natulog agad ako dahil kaunti lang ang tulog sa Tagaytay at nakakapagod ang biyahe. Napag-isip-isip ko na for a long time ay napalayo ako kay God at thankful ako dahil napalapit uli ako kay God sa pamamagitan ng retreat.

Saturday, October 18, 2008

Palanca and Confession day...


Ngayon ay nagpatuloy ang retreat. Masaya ang talk ni kuya Obet at very touching ang kanyang kwento. May mga naiyak after ng talk, pero kahit hindi man lahat naiyak lahat naman ng damdamin ay naantig ng kanyang mala-telenovelang buhay. Sana ay maging succesful at masaya rin ako sa buhay tulad niya. After ng talk ay nagkaroon ng laro at ito ay tinawag ma Amazin' Race na pwedeng maging Amazin"G" "G"Race. Masaya ang laro pero may konting stuck-up na nangyari. After nun ay may talk at nagkaroon na ng Confession. Kinakabahan ako habang nasa pila ng Confession pero nawala rin ito afterwards. Nung gabi na ay Palancahan na, ang ganda ng atmosphere at very serious. After mabuksan ng mga Palanca may mga naiyak at meron din namang tinago ito sa sarili nila. Pero masaya ang araw na ito, SOOOOBRA...

Friday, October 17, 2008

Hapi Bertday Chuck MaNdOg...


0_o bertday ni Chuck nagayon at siya'y 17 na!!! o_0

Ngayon rin ang alis ng batch papuntang Tagaytay para sa retreat. Exciting ang araw na'to dahil ito ang umpisa ng paglapit namin sa Diyos. 9 na ako nagising buti na lang at hindi ako nalate papuntang skul at pag-ayos ng gamit ko. Masaya ang biyahe at ang masaya ako dahil katabi ko si BESPREN... Pagdating namin ay may talk agad sa mga rules, naasar siguro ung speaker kya nagwalk-out siya. Siguro ay kulang lang siya sa pasensya. Pagdating ng gabi ay late na kami natulog dahil ang sarap magkwentuhan. Masaya ang unang araw sa Tagaytay kahit na halos 4 na kami dumating. Masaya talaga ang araw na ito. Nag walkathom rin pala kami ni BESPREN at late na kami natapos, umiyak siya pero dahil ito sa kanyang past na pinag-usapan namin, pinatawa ko naman siya afterwards para 'di na siya malungkot.

Monday, October 13, 2008

Boooring...

Sembreak na nga pero ang boring pala. Akala ko ay magiging masaya pero hindi pala ganun ung mangyayari. Masarap lang nag pahinga dahil wala ka nang ibang choice kundi un. Walang basket sa amin at wala rin naman akong kalaro, kaya ang ginagawa ko ay nanonood ng tv at nagbabasa ng libro. Araw-araw yan lang ang ginagawa ko. Nakakasawa pero wala akong magagawa. Kung mas mahaba sana ang sembreak ay nakauwi pa ako at nakapiling ang aking pamilya at nakausap ang mga dating kaklase at nakipaglaro sa kanila. Haaay. Ang dami talagang mga 'di inaasahang mga bagay dito sa mundo. Sana naman ay maging maayos pa rin ang mga bagay-bagay at sana walang masyadong mangyaring masama dahil sa mga magugulong pangyayari.

Saturday, October 11, 2008

sem break




Ngayon ang nakatakdang araw ng paglalaro namin ng DotA Potassium laban sa Rubidium. Ngunit dahil late na ako nakapag-ayos at maraming tao sa computer shop ay hindi natuloy ang laban. Nung wala nang masyadong tao ay naglaro na ako ngunit sa kasamaang palad ay naglalaro na rin sila at hindi na ako nakasali. Wala rin akong makitang laro sa GG kaya wala rin akong magawa. Nag kol na lang ako at nag-mafia-wars. Inubos ko ang oras sa paglalaro. After nun ay umuwi na ako at kumain, nagbasa ng libro at natulog.

Friday, October 10, 2008

Uwian na!!!


Pare ngayong araw ay maraming requirements na kailangan gawin. Nakakapagod at nakakatamad gawin ung iba. Buti na lang at tapos na ang perio. Natapos ang araw sa written exam sa com sci at physics. Ang daming kailangan ayusin sa kwarto. Naglinis ako ng electric fan at mga gamit astig. Dahil dito ay late na ako nakauwi. Traffic kaya dumaan ako ibang "route". Magandang gabi mga pare.

Thursday, October 9, 2008

Dorm lang pare...

Ngayong araw ay halos 'di ako umalis ng dorm. Lumabas lang ako para kumain at bumili. Gumawa lang ako ng mga requirements na kailangan i-pass today and tomorrow. Masaya ang sa dorm lang pero medyo nakakatamad dahil ang konti lang ng tao at walang masyadong makausap pare. Pero lumipas ang oras at nag-rush na akong tapusin ang aking mga requirements.

Wednesday, October 8, 2008

Perio Summary


Haay tapos na ang Perio ang sarap magpahinga at magrelax after ng nakakapagod na "pag-aaral" ng mga lessons pare. Pero na-alala ko na marami pa palang kailangan gawin na mga requirements. Tae naman kailangan paring magsikap para naman maipass ang mga requirements. Haaaay... Sana pwedeng matulog na lang at magpahinga, pero hindi pwede eh. Mas maganda nga talagang tapusin agad ang mga requirements para tapos na at makakapagpahinga ka na, maaari pang makakuha ka ng bonus sa mga subjects mo... hahahaha... Mas kaunti rin ang mga pagkakamali kung hindi nirush ang mga requirements pare.