Sunday, September 28, 2008

Dante's Inferno Test

The Dante's Inferno Test has sent you to Purgatory!
Here is how you matched up against all the levels:
LevelScore
Purgatory (Repenting Believers)High
Level 1 - Limbo (Virtuous Non-Believers)High
Level 2 (Lustful)Low
Level 3 (Gluttonous)Moderate
Level 4 (Prodigal and Avaricious)Very Low
Level 5 (Wrathful and Gloomy)Low
Level 6 - The City of Dis (Heretics)Very Low
Level 7 (Violent)Low
Level 8- the Malebolge (Fraudulent, Malicious, Panderers)Moderate
Level 9 - Cocytus (Treacherous)Low

Take the Dante's Inferno Hell Test

Saturday, September 27, 2008

Cramming day...

Late na pero naglalaro pa rin ako. ng inantok na ako ay tumigil na ako sa paglalaro. Naalala ko bigla na may gagawin pala sa umaga late na siguro ako magigising... Paggising ko ay late na ngunit wala akong magagawa dahil nangyari na iyon. Marami pa palang gagawin ngayong araw at ang dami pang kailangan basahin at pag-aralan. Nagdaan ang araw at ang daming ginawa nakakapagod at ang daming kailangang i-cram. Pati itong post na ito. Nakakapagod pero masaya ang mag post. Hindi naman sa tinatamad ako pero ayoko lang talagang tapusin ang post na ito...

Friday, September 26, 2008

Tsinelas Part 2

Ngayong araw ay late uli akong nagising ngunit dahil walang first subject ay ayos lang. Ang sarap ng maanghang na siomai nakakapagpabuhay ng kaisipan. Kahit na walang first sub ay muntik pa rin kaming malate ni Gino Jonas dahil sa hindi namin alam ung saang room dapat pumunta at nakipag-usap muna kami sa isang makuleet na guro. nagpatuloy ang araw na walang pumansin sa tsinelas ko. Habang English ay ang saya at nakakakaba ang makinig sa mga pieces lalo na't marami ang magaling at dapat ay pantayan o higitan mo sila. Dumating ang Chem at nakita ang tsinelas ko buti na lang at wala akong deduction sa score ko sa practical. After nun ay nag-ayos na ako ng laundry at natulog ng kaunti. Yun lang.

Thursday, September 25, 2008

Tsinelas

Ngayong araw ay sumasakit pa rin ang aking paa. Late na ako nakapag-ayos, masakit ang paa ko kaya nakatsinelas lang akong pumasok. Wala namang masyadong nakapansin at kung mapansin man ng mga guro ay ayos lang dahil nag-iingat lang naman ako. May PopLaw test after ComSci at nasa 3rd floor shb pa ito. Medyo malayo ang lalakarin at sumasakit pa ang paa ko. Hindi man nakapag-aral ay ok lang naman ang ginawa sa PopLaw yung ComSci nga lang hindi namin magets kaya 5 over 10 lang kami ng ka-pair ko si Gino Jonas. Masaya ang araw na ito kahit na hindi ako masyadong makagalaw ng maayos.

o_0 OT 0_o

Si Shua nga pala ay isang MSG addict at autistic... :)) ang saya mag-post...

MaSEBO... Hindi si Shua pero si...... Basta mataba siya...

Asteeg...

Late na ako nagising at tinamad akong bumangon. Buti na lang at walang second subject at nakapagbreakfast pa ako. May PE at ang kulang time kaya nag-extend hanggang 4:10. Pag-labas ng gym ay diretso ako basket. Naka-ilang laro rin kami ng mga teammates pero laging talo ng team ng 3 2012 at ni gino. Pero tila napagod sila at natalo rin, sayang di kami nakabawi. Pero sa sumunod na mga laro ay nanalo kami hanggang dumilim na at nagsi-uwian na ang mga naglalaro. Pero ako'y minalas at tumama ang paa ko sa bato after kong sumabit sa monkey bars. Kaya yun ang sakit ng paa ko kinagabihan.

Sunday, September 7, 2008

Bella...

Ngayong araw ay walang masyadong ginawa maliban sa manood/gawin ang napiling gawin/panoorin sa ACLE.

Monday, September 1, 2008

Buti na lang...

Ngayong araw ay ang umpisa ng "Linggo ng Humanidades" at ako'y tinatamad pa rin. Sinikap kong magising ng maaga para sa isang tao. Dahil sa taong ito kahit maaga pa lamg ay buo na ang aking araw :))... Pumunta ako sa gazebo para dun na maghintay ng aktwal na pagbubukas ng "Linggo ng Humanidades". May paradang idaraos at mainit ang sikat ng araw, buti na lang at kasali ako sa talent for a cause kaya ako'y nakatakas sa paglalakad at nakaupo lang sa grandstand. Matagal din ang hirap na dinanas ng mga tao dahil kailangan nilang magbabad sa init ng araw. Kahit kasisimula pa lang ng linggo ay sinimulan ng Maskara ang pagpresenta ng kanilang pinaghandaang munting dula-dulaan na tungkol sa kalikasan. Ang mga COCC ay nakaka-asar dahil sila ay walang ginawa kundi ang manggulo ng mga tao. Buti na lang at ang isang COCC na nanakot pa sa pamamagitan ng pagbibilang ay napahiya sa harap ng maraming tao. Ang init lalo na nung tanghali at habang nakababad kaming mga studyante sa araw ay nakaupo naman sa lilim ang mga bading na COCCs. Nakaka-asar talaga ang nga pagmumukha nila, ang kapal at sabi pa nila pwede nila itong gawin dahil COCC sila. 'Di ba pantay-pantay lang naman tayo? Studyante sila tulad namin at wala silang karapatan mang-api. Yun lang ang gusto ko sabihin sa araw na ito dahil tinatamad na ako.