Monday, September 1, 2008

Buti na lang...

Ngayong araw ay ang umpisa ng "Linggo ng Humanidades" at ako'y tinatamad pa rin. Sinikap kong magising ng maaga para sa isang tao. Dahil sa taong ito kahit maaga pa lamg ay buo na ang aking araw :))... Pumunta ako sa gazebo para dun na maghintay ng aktwal na pagbubukas ng "Linggo ng Humanidades". May paradang idaraos at mainit ang sikat ng araw, buti na lang at kasali ako sa talent for a cause kaya ako'y nakatakas sa paglalakad at nakaupo lang sa grandstand. Matagal din ang hirap na dinanas ng mga tao dahil kailangan nilang magbabad sa init ng araw. Kahit kasisimula pa lang ng linggo ay sinimulan ng Maskara ang pagpresenta ng kanilang pinaghandaang munting dula-dulaan na tungkol sa kalikasan. Ang mga COCC ay nakaka-asar dahil sila ay walang ginawa kundi ang manggulo ng mga tao. Buti na lang at ang isang COCC na nanakot pa sa pamamagitan ng pagbibilang ay napahiya sa harap ng maraming tao. Ang init lalo na nung tanghali at habang nakababad kaming mga studyante sa araw ay nakaupo naman sa lilim ang mga bading na COCCs. Nakaka-asar talaga ang nga pagmumukha nila, ang kapal at sabi pa nila pwede nila itong gawin dahil COCC sila. 'Di ba pantay-pantay lang naman tayo? Studyante sila tulad namin at wala silang karapatan mang-api. Yun lang ang gusto ko sabihin sa araw na ito dahil tinatamad na ako.

No comments: