Sunday, August 31, 2008

Birthday!!!

Ngayon ang aking kaarawan at ako'y masaya. Kahit 'di ko man siya makita ay nasa puso ko naman siya at alam kong ako'y nasa puso rin niya. Walang akong magawa ngayong araw kasi walang masyadong kailangan gawin at ang daming oras para magcram ng kung ano mang mga rekesitos. Late na akong nagising upang bawiin ang mga gabing kailangan kong magpuyat. Wala pa nga pala akong dinner at ang aking tiyan ay kumakalam na, ngunit ito'y ipinagpaliban ko na lang hanggang umabot ng tanghali. Parang kulang pa ang aking kinain ngunit wala akong magagawa kaya tiniis ko na lang ang gutom. Ang bilis lumipas nang oras at hindi ko namalayang gabi na pala. Ngayong araw ay may natanggap akong isang regalo na hindi daw regalo at dahil dito ay lalong naging masaya ang aking pakiramdam. Bukas ang simula ng "Linggo ng Humanidades" at baka maging abala ako kaya kailangan kong matulog ng maaga para hindi ako mapuyat sa mga kailangan gawin, lalo na sa mga laro at paligsahan na idaraos.

No comments: