Friday, September 26, 2008

Tsinelas Part 2

Ngayong araw ay late uli akong nagising ngunit dahil walang first subject ay ayos lang. Ang sarap ng maanghang na siomai nakakapagpabuhay ng kaisipan. Kahit na walang first sub ay muntik pa rin kaming malate ni Gino Jonas dahil sa hindi namin alam ung saang room dapat pumunta at nakipag-usap muna kami sa isang makuleet na guro. nagpatuloy ang araw na walang pumansin sa tsinelas ko. Habang English ay ang saya at nakakakaba ang makinig sa mga pieces lalo na't marami ang magaling at dapat ay pantayan o higitan mo sila. Dumating ang Chem at nakita ang tsinelas ko buti na lang at wala akong deduction sa score ko sa practical. After nun ay nag-ayos na ako ng laundry at natulog ng kaunti. Yun lang.

No comments: