Saturday, August 30, 2008

Weekend

Ngayong araw ay nagkaroon kami ng practice sa Dikum, ito ay nakakatamad ngunit kailangang puntahan dahil sa attendance. Akala ko ay magiging walang kwentang araw ito, ngunit ng makitang ko ang isang taong nagpapatibok ng aking puso ay para bang sumiklab at napuno ng lakas ang aking damdamin. Habang lumilipas ang panahon ay lalo ko siyang gusto kausapin ngunit sa kasamaang palad ay napapaligiran siya ng kanyang mga kaklase. Naisipan ko munang magpalipas ng oras sa pamamagitan ng paglalaro at naghihintay ng tamang oras para makausap ko siya. Hapon na pero hindi pa rin sila tapos sa practice at pagkalipas ng ilan pang sandali ay nalaman ko na lang na nag trinoma na pala siya kasama ang kanyang mga kaibigan. Buti na lang at pupunta rin kami sa trinoma para bumili ng regalo. Sayang nga lang at hindi ko siya nakita sa trinoma pero napawi naman ito dahil tumawag siya sa akin. Haay ang saya talaga pag may minamahal... Kahit ano mang sakit ay kayang gamutin ng pag-ibig... :)) Mwahahahaha... Buti na lang It's not over!!! Joke lang Arvin.... :D...

No comments: