Thursday, November 20, 2008

Carelessness... :(


Ngayong araw ay may mga tests kami tulad ng sa Physics LT at Chem Prob set. Nagising ako ng maaga at nagumpisa magbasa ng handouts after kong maligo at magpaprint ng handouts. Naintindihan ko naman ang mga lessons at parang ok lang ang magiging results ng tests. Pero nung chem na 'di ko narinig na pwede palang open notes at nalaman ko na lang un nung 15 minutes na lang. Yung physics naman ang dami kong mali dahil sa pagiging careless. Sayang talaga ang mga tests a yun. Babawi talaga ako, kung 'di man sa mga subjects na ito ay sa ibang subjects. Kailangan ko pang magDL... Hahahaha...

Sunday, November 9, 2008

ARAL

Ngayon ay sunday at wala akong magawa... Naisipan kong magbasa ng bio sa di maipaliwanag na dahilan... Un lang halos ang ginawa ko... Sadly hindi ako naka-attend ng mass... Tinamad kasi ako... Nag-aral din ako ng chem pagdating ng gabi and nagpractice at pinag-aralan ko rin ang CS na slutmachine... :)).

Saturday, November 8, 2008

BDAY ni JCebo... =))

Ngayong araw ay Card Giving at masaya ako dahil tumaas ang aking average... Pag dating ng 12 ay naghanda na ako papunta Trinoma kasama ang mga friends ko... 1 na kami nakaalis dahil natagalan dumating yung carpool... Pagdating sa trinoma ay marami na pala ang naghihintay at nagsine na kami... Sadly di ko magets masyado ung kwento dahil di ko napanood ung Casino Royale... After ng sine kumain kami na treat ni JC Esguerra... After ng kainan ay nag DotA na kami at masaya ang laro... :)). medyo late na kami nakauwi pero enjoy ang araw na ito....

Saturday, November 1, 2008


Ngayong araw ay pumunta ako sa mga pinsan ko para bumisita. Nagkaroon ng kainan at inuman yung mga pinsan ko. Medyo boring dahil nasa province yung family ko and nandun din ung mga yumao kong mga relatives. Sayang lang at hindi ko sila nabisita, lalo pa't naputol ung sembreak namin dahil sa sunog. Sayang talaga at hindi ako nakabisita sa mga relatives ko, sana naman ay hindi nila ako bisitahin dahil dito.